Pay your ISELCO II Bill Online

Download the instructional guide on how to pay

your ISELCO II Bill Online

Frequently Asked Question

To help you make your experience easier, we've compiled our most frequently asked questions and answers below.

Ito ang mga sumusunod na e-wallets at mobile banks na maaaring gamitin para sa QR Ph, mula noong ika-30 ng Abril 2024: 1. Asia United Bank Corporation 2. Bank of the Philippine Islands 3. BDO Unibank, Inc. 4. Metropolitan Bank and Trust Company 5. Philippine National Bank 6. Rizal Commercial Banking Corporation 7. Robinsons Bank Corporation (merged with BPI) 8. Security Bank Corporation 9. Union Bank of the Philippines 10. Bank of Commerce 11. China Banking Corporation 12. Land Bank of the Philippines 13. CebuanaLhuillier Rural Bank, Inc. 14. Netbank (A Rural Bank), Inc. 15. Rural Bank of Guinobatan, Inc. 16. GoTyme Bank Corporation 17. UNOBank, Inc. 18. G-Xchange, Inc. (GCash) 19. Maya Philippines, Inc. Kumpletong listahan.

Ang QR Ph ay maaaring magkaroon ng transaksyon nang higit sa Php 50,000 ngunit ang ibang e-wallet o mobile bank accounts ay may mas mababang limitasyon sa wallet depende sa uri ng account. Ang isang Business account ay may mas mataas na limitasyon sa wallet kaysa sa Personal na account. May kakayahan ang ibang e-wallet at mobile bank na i-customize o i-adjust ang limitasyon ng iyong wallet. Hal. BPI, BDO, Metrobank, atbp. Maaari itong itanong sa iyong e-wallet o mobile bank customer service.

BPI, BDO, Metrobank, atbp. Maaari itong itanong sa iyong e-wallet o mobile bank customer service.

Hindi ka makakapagbayad ng isang buwan lamang dahil ang system ay nagbubuod ng lahat ng hindi nabayarang buwan sa iyong kasalukuyang bill.

Hindi ka maaaaring makapagbayad online kung ang iyong account ay nakatanggap ng "Disconnection Letter". Kailangan mong magbayad sa pinakamalapit na branch ng ISELCO II.

Hindi tumatanggap ng partial payments gamit ang QR Ph dahil ang kasalukuyang system ay nangangailangan ng buong kabayaran.

Oo. Ang resibo ay maipapakita at maaaring i-download sa payment portal. Bukod dito, ipapadala rin ito sa email address na inilagay mo bago ang pagbabayad. Maaari mong ipakita ito bilang patunay ng pagbabayad.

Maaaring may isinasagawang system maintenance. Maaari mong tingnan ang opisyal na FB page ng ISELCO II para sa anumang mga abiso.

Pakisuri kung tama ang iyong Account number ayon sa iyong billing. Maaaring hindi ito available dahil hindi pa available ang iyong kasalukuyang reading. Ang reading period ng ISELCO II ay mula ika-20 hanggang ika-26 ng buwan. Kung nananatiling hindi wasto pagkatapos suriin, maaari mong tawagan ang aming mga customer service representative upang ipaalam ang sitwasyong ito.

Maaari mong tawagan ang aming customer service representatives upang ipaalam ang sitwasyong ito. Maaaring humingi sa iyo ng screenshot ng error upang maayos na matugunan ang iyong problema.

Hindi ka maaaaring makapagbayad online ng reconnection fee at kailangan mong magbayad sa pinakamalapit na branch ng ISELCO II.

Maaari kang tumawag o mag-email sa aming Customer service para mag-request ng hard copy ng iyong ISELCO II na resibo. Ieendorso ng aming mga CSR ang request na ito sa ISELCO II at mag-a-update sila kapag available na ito para kunin sa pinakamalapit na branch ng ISELCO II.

Ang senior discount ay ang tanging discount na kasama kapag nagbayad online. Ang discount sa maagang pagbabayad o Early Payment ay maaaring makuha lamang kapag nagbayad sa ISELCO II Branch.